
National Paint & Monay ni Mr. Shooli
It's the biggest circus event once again in fiesta islands Philippines come May 2007! Once again, our Philippine treasury will get ready to launch the careers (or continue dynasties and monopolies) of our dear mayors, and their council, to the tune of about P25,000-P30,000 per month (each elected official), of our dear governors and their board members and vices, congressmen and senators (imagine their monthly budgets, not to mention their pork!)... You can only imagine!
It's a circus where the joke is on us taxpayers!
And yes, Mr. Shooli and Kabayan Leo, buti pa kayo, nakakapagpatawa, in this bloody shitty Filipino time! While the rest of us weep in silence!
For starters, to feel what's in for us, let's rate their paid television advertisements (Please allow me to write the proper address Honorables here):
Osmeña: a zombie puppet from the graveyard.
Mike Defensor: he should have his copywriter lynched. But then, I am not surprised if his ads were his idea (he had several versions of paid talents shouting from a dark distance inside a studio) "Tol, tol!" Obviously, the ads speak for the candidate: distant, someone you are not sure exists, tambay na nangguguyo ng kapwa. I mean, take this: writing a (pseudo) personalised letter to prospective principals addressing them with names like Miss Tapia (Matagal nang wala ang Iskul Bukol, tol!) Gumastos ka na nga, di ka pa nakahanap ng "creative copywriter mo." Sabagay, kapag nasanay ka talagang sa gobierno umikot ang buhay mo, kahit gaano ka ka-creative, magiging "lati" ka rin. Iron-oxide in scientific terms. O kaya naman, hanggang doon na lang ang kayang i[reach ng powers mo. Bawal maging creative sa gobierno ng Pilipinas. Ang mga creative, natitiwalag!
Manny Villar: Sa totoo lang, if not for porks, I can say nothing against this entrepreneur-turned-politician.
Ralph Recto: Traditional politician legitimized, dancing for all! Pang piesta talaga!
Kiko Pangilinan: Si ate Shawi talaga, ipinapahalatang mura lang magpa-liposuction: magaan lang ang bangko niyo ano? I mean, obvious bang nanalo na siya noon dahil sa isang mega?
Ping Lacson: Siguro si Mr. Lucio ang sponsor ng "HOPE."
Migs Zubiri/Chiz Escudero/Peter Alan Cayetano: Ayan, nagbunga na ang pagpapa-cute niyo sa congress. Reding-redi na talaga kayo... Goodluck sa Pilipinas.
Richard Gomez/Cesar Montano: Goodluck ulit sa Pilipinas! Kundi dahil sa pinipiratang mga CD, di sana, di napeligro ang career nila sa films! I-firing squad ang mga pirata! Ibalik ang Pelikulang Pilipino! Parang awa niyo na! Tama na sina Revilla, Lapid at iba pa!
Tessie Aquino: Sawa na sigurong mag-tango, mag-chacha at mag-La Bamba! Sino bang hitad ang nanggulo sa 'yo't nanahimik ka na sa dancefloor, e, kinaladkad ka pa sa circus!
Prospero Pichay: Sir, pwede bang mag-request ng isang makabuluhang batas kapag nanalo ka?
Click this.
At si Manny Pacquiao for congressman/or mayor:
Tol, mahirap talagang maging inosente sa mga bagay-bagay, pero isa lang ang masasabi ko sa 'yo: karamihan ng mga tumakbong opisyal para maging "PUBLIC SERVANT", iisa lang ang hangarin: noble. Makatulong sa kapwa Pilipino na naghihirap. Pero sa loob ng sistema, 90% yata, panay "lati" (tanungin mo si gov Chavit ano ang ibig sabihin ng lati, tutal, mag-idol naman kayong dalawa e). Sa ayaw at sa gusto ng isang stainless steel na leader, magiging lati rin siya, sooner or later. It's a disease. No one has yet created the cure. Supposedly, kayong mga nasa kongreso at senado ang gumagawa ng batas para magkaroon ng kabuluhan ang sistema ng gobierno natin, kaso, you have been letting us Filipinos down since the congress and the senate were returned. Kumbaga sa aming mga loyalist, buti pa noong panahon ni Marcos, konti lang ang mga corrupt!
At sa brighter side ng circus na ito, heto po si Mr. Shooli at kabayang Leo Martines, walang sawang nagbibigay sa atin ng paalala, ipagpasalamat natin sila sa ating Maykapal. At sa Nation Paint din, sapol sa mukha ang sinumang kandidatong me sentido kumon, dahil sa inyong napaka-direkta at makabuluhang paalala!
Gising Pinoy!
Photo above copyright: Mad Magazine.